October 30, 2007

SK

     Ika-29 ng Oktubre ako'y naging isang ganap na botante. Tama nga ang binitawang salita ng PNP: "Naging mapayapa ang halalan ngayon". Oo nga at tahimik sa baranggay namin subalit talamak ang mapayapang-pandaraya. Heto ang kuwento.

     Sinimulan ko ang araw ko sa pagkain ng masustansyang almusal at pagligo gamit ang kay lamig na tubig. Sinuot ko rin ang bagong pan'taas ko na may tatak Ateneo! Lalakad ang kuwento.

     Alam ng lahat ang patakaran. 'Di ba? Pero ang suliranin lang talaga ay ang pagsunod sa mga nakatakdang alituntunin. Magpapakita ang kuwento.

     Pagkalabas ko sa bahay, aba!, inalok na kaagad ako ng libreng sakay. Ayon sa COMELEC, bawal po eh. Susuway sana ako kapag Mercedes eh, kaso traysikel eh. Pasensya nalang po. Hindi ako basta-basta nabibili lalo na ang boto ko. Susundan ng kuwento.

     Ang tagpuan ng maladula na halalan ay sa isang pampublikong paaralan sa Damayan. Bakit ko nasabing dula? Noon pa man ang halalan ay isang dula. "Hinahangad ko ang kabutihan ng buong sangkatauhan", ika ng isang kandidato, subalit nakikitang naghahanda sa pagtatambang ng kanyang karibal sa posisyon. Desperado ba? Babalik ang kuwento.

     Gabundok ang mga patalastas-papel ( flyers, 'di ko alam salin ) sa lugar ng pagbobotohan. Hindi lang marami kun'di nakakalat lang ito, at ang mga tauhan na namimigay ay alok nang alok. Abay! sa panahon na iyon bawal mangampanya! Mabuti't nakarating na ako sa silid kung saan payapa ang lahat. Bubunot ang kuwento.

     Bilang isang botante obligasyon ko bumoto at obligasyon ko na alamin kung paano bumoto. Ay! tila nakalimutan ko na dadalawa lang ang aking iboboto: isang SK Kagawad at isang SK Chairman. Ang natira ay minarkahan ko ng isang mahabng linya. Makalipas ng isang minutong pagsusulat, ay nagpalagay na ako ng INCREDIBLE INK. Madaling matanggal ang kanilang 'indelible ink'. Malupit. Tatatak ang kuwento.

---

Nakalulungkot isipin na ang mga tauhan sa paligid ay hindi marunong umunawa ng batas. Ang batas o ang pagsunod sa batas ang ginawa kong basehan ng pagpili ng mga kandidato.

Nakalulungkot na hindi nanalo si Paoi Sevilla for SK Chair.

"Alles hat ein Ende, nur die Wurst hat zwei" - Everything has an end, only sausage has two

No comments: