November 24, 2007

2nd Term Exams

3i Retreat

Saan ba? Sa bayan ng Angono, lalawigan ng Rizal --- Loyola Retreat House. Bundok este burol na naman! Kailan? Siguro, ika-19 ng Oktubre. Oo, tama kasabay niya ang Erik SOLO at Araneta Col. Ang ANO? The Retreat of 3i GradClass '09.
Hindi ko na matandaan. Matagal na kasi, hindi ako ganoon ka "lakas" sa pag-aalala. Paumanhin. Barberuhin ko nalang ung iba :)
Marahil dinala ko na ang lahat ng kailangan: damit, pagkain, toyletpuno(toiletries), ilawan, PISO, atbp.
Ay! Hindi agaran ang aming pagpunta sa Rizal. May klase pa ho! Kung hindi ako nagkakamali may 2 kaming Long Test? Hindi ako sigurado, basta't pagod ako bago umalis.
Dismissal! Ayan na kanya-kayang handa at punta sa bus. Tatlo ang bag na dala ko. Kumain muna ang lahat bago bumiyahe.
Abante! Hindi tabloid. : Ang sarap ng pwesto ko, sa may bintana subalit katabi ko sa Balamiento. Hindi naman siya magulo SUBALIT may tao na pilit umawit. Hindi isinasangalang-alang ang pandinig ng iba. Alam na! Halos lahat nakikinig sa mga tugtog sapagkat magpapaalam ang mga kagamitan namin pagdating sa Retreat House.
its too bad i defied the rules. i brought two. [insert evil laugh]. i brought my headset. [insert laugh]. the cellphone that i was about to surrender was simless. [insert giggles] . the cellphone that i was to about to sneak in has an UNCHARGED battery. [bwahahaha]! WHAT THE HELL? i guess it's an omen to surrender my stuff. too bad :(

Here! here we are. before we went down the bus, we were told that Glorietta went BOOM! it's G2. We went straight to the Open Conference Area and discussed the House Rules, Room Assignments and our first merienda! There were three floors with rooms, i believe there is another --- maybe the roof. The rooms were assigned; one for each student. I got room 22. The room was in good condition for me. It had a door with a lock, keys inserted in the knob, two average sized beds, lights, a cabinet, a sink, an electric fan and an electric socket [insert grin or let's say a charger]. Time to unpack somethings and change into pambahay. BELLS! BELLS! BELLS! Off to the Chapel Front for Merienda!

Break! Sabi ni Sir Jerry masarap ang pagkain sa retreat house. And it was true! Spaghetti ( na REFILLABLE o BOTTOMLESS ), tinapay at pamatid-uhaw! Yung spag yung nagpapanalo. Proper etiqutte recquired table napkins, but some used a slice of bread as their pamunas. Babuy!

Conference! Dito pala sinabi yung mga patakaran. Dito na rin magsisimula ang mga aktibidades ( gawain ). First, inner silence and meditation. It's too bad i didn't feel that i was flying. I just felt emptiness inside. It was like nothing - i felt NUMB. Next, clay molding. Feel free to do whatever you like with an innocent piece of clay. I made a "Jesus and Me" figure. Last, sharing time. I was with Jerome when this happened. Doon kami sa taas kung saan magbabantay yung aso. The activity was a mystery for me.

Prayer Room~ Here we offered our clay figurines to the Relic of Jesus Christ. Also a prayer to guide our offerings. We had a moment of silence, laughter and thought. Out of nowhere we heard the sound of a note from a piano. Creepy!

Palancas~ It was a mystery when people were just vanishing. One by one we were called to the great mysteries of the Retreat House. Hernandez... Lacuna.... Lijauco.... Macrohon. It's time for the final judgement. " I walk in the valley od death. I fear no evil for You are with me." Indeed i was walking in a hall filled with a parallel-arranged candles. It was creepy and dark. NO FEAR! I walked cautiously, and i was waiting for any supernatural event to occur. None...

Palanca Room~ I heard: "susunugin yung palanca". It's just an action of a fool or maybe not. There i see an envelope and written on it: "Daniel Macrohon 3I, BIGMAC, PALANCA KO ITO, PALANCA LETTERs". Basta binaboy ko yung envelope. But the letters inside were read by a Daniel, in fact even a Manuel. I don't remeber mucha about this except for a poem.

Sow a thought, reap something. :) I also left some letters in my room, and i was lazy to get it. I read all letters and was glad about the content. I remebered myself smiling, that's all.

Italian Iron Chef - Filipino Style ( WTH Rants )



Informal Post.

Nagsimula ang lahat sa "Ano?". Isang proyekto na tatalakay sa pagkain, bayani, kwentong bayan at ang kasaysayan ng napiling bansa. Next, Drafting! Dito, alam ko na ang gagawin ko. Planado at tuwid! Pinili akong pinuno at ako ang pumili ng kasapi ( Miggy , Garde , Jerome, Balamiento, Punzalan, Oba, at Eguico . Saan ka pa? May magagaling sa pagguhit, pagtugtog, pamumuno (AKO!), pag-aasikaso sa kompyuter... kaso nga lang medyo HINDI PANTAY!

Pagpupulong Una! Kailangan ng mga magsasaliksik ukol sa bansa. Teka, anong bansa? Kahit anong bansa ng kontinenteng Europa. Pinagpipilian Italya, Gresya, Aleman o Espanya. Syempre kailangan isaalang-alang ang rubriks - pagkain, bayani etc. Inuwi namin ang desisyon. Mapitagan na pinag-iisip ng grupo ko - ITALYA.

Saliksik! Oo naging maayos naman. Nakuha ang lahat ng kinakailangan.
Pagkain : Pasta!
Bayani : Guiseppi ( gi-se-pee)
Kwento: Tarantella! ( isang sayaw na nakagagaling raw ng kagat ng Tarantulla)
Italya: Ang Roma, Simbahan,Gladiator, Michaelangelo, Leonardo Da Vinci, Vulcan atbp


Brochure! Oo nga pala, ano ang gagawin sa aming saliksik? Una sa lahat, gagawin itong Brochure o kung anu man salin nyan sa Tagalog at makalawa ay Cooking Show! Maayos, gaya nga ng sabi ko, pero kailan gagawin? Aber! Isang araw nalang ang nalalabi! Si OBA na yung kinuha kong mag aasikaso sa aming brosige(bro-sure) :D Balak namin ay ang paghati sa SBP sa tatlo, yung tradisyonal na anyo ng brosige. At may gimik pa yan, susubukan namin na gawin window design. Bale ang nakasulat ay nasa likod ng isang tagos-ilaw(transparent? tinatamad ako hanapin yung tamang salin) na plastik. Iguguhit sana ni Oba ang bansang Italya, subalit sabi ni Ser Franz, "huwag na i-Print nalanag". Sayang naman!




Cooking Shoo!
Miggy: Iron Chef nalang!
Eguico: Iron, hindi ba't yun yung pamplantsa...
Lahat: **** mo!

OO! Iron Chef Italy ang aming tema. Masarap isipin ang pagtatanghal, masarap itanghal sa isipan. Ehem, napaghandaan na namin ang lahat, este pinaghandaan. Mula sa daloy, hanggang sa mga aktor.
Oba: Chairman
Miggy: Iron Chef ng Italya
Marvin: Challenger - from Quiapo - Iron Chef Di Pantay
Daniel : Commentator/Host
Jerom and Benjo B: MichaelAngelo and Leonardo
Ian: Guiseppi
Garde: Laptop Man!

Binilin ko sa bawat isa na asikasuhin ang kanyang papel sa mala-Iron Chef na 20min sesyon. Napagsangayunan na sa bahay ng bawat Chef iluluto ang pasta: isang Spag at isang Carbonara. Dito na magsisimula ang problema. Nagkalokohan sa pagbibili ng sangkap sa pagkain. Hula ko, si Eguico nagkamali! Siya nga! Hindi lang yan, si Marvin dapat ang gagawa ng iskrip ni Ian para sa bayani. Pero hindi nya nagawa! ay nung Tanghalian (bago mag AP) pala. Basura! Sige, dahan-dahan lang. PERO HINDI PWEDE! May mga ibang kasapi na palpak! Si Alano at Balamiento! hindi nagdala ng tamang damit! Simpleng damit , hindi pa madala-dala. Sige, patatawarin ko iyan. Hoy Benjo! bat wala kang dinalang kalan! Si Oba, sinabihan ko nang mag Chairman at kung ano ang gagawin, AY! Ang hilig tumanggi. Kay simple ng gagawin at tila papatay ng isang tao ang inihahabilin ko sa kanya? At eto pa, isang maikling sayaw, AYAW NG GRUPO!

Pagtatanghal! Nakabihis na ang lahat. Pasok ako para makapagbigay pambungad Biglang sisingit si Oba, na hindi pa ako nakakatapos sa aking "magiging talumpati na MAGLALAMAN NG DETALYE NG BANSA!" ayan! WALANG BINAGGIT UKOL SA AMING BANSA! hindi pa diyan nagsisimula ang SAKUNA, KALAMIDAD, DISASTER! Pinakilala ko muna ang dalawang magtutugis sa araw na iyon. Iron Chef Miggy and Chef Di Pants. Naunang nagluto si Chef Eguico.

Eguico: Oh! Ayan magsisimula na ako magluto ng aking pasta.
Lahat: Tawa
Eguico: Ang aking lulutuin ay Carbonara
Lahat: Tawa
Eguico: Dito, uunahain ang cheese!
Lahat: Halakhak!
[aside] Dan & Miggy: ANAK NG! Chiz una?
Eguico: Hmm, keso pala . Keso. Sabay halo.
Lahat: Tawa, hala sige TAWA!
[aside] Dan: Hoy! Ano hinahalo mo dyan?
Eguico: Umm, ano na ba?
Lahat: Tawa
Dan & Miggy: Wala na, sabog na ito.

Sinabihan ko si Miggy na ayusin ang pagluluto ng kanyang pasta at MULING ITURO kung paano iluto ang pasta. Mabuti't napili ko si Miggy.

Introduction of Judges: Ako na ang nagpakilala kung SINO ang mga hurado pero sila(Ian,Jerome,Benjo) ang magsasabi kung ANO ang mayroon sa kanila. Sympre palpak yung mga taong ito. Si Ian binasa yung script sa papel. Bulsyet! Si Alano at Benjo, wala man lang kalamanlaman yung sinabi. Nagbatuhan pa ng mga mura. Sige ok lang yan, pampatawa naman eh. Tanggap ko.

Closing: OO, ganoon kabilis ang aming pagtatanghal. Hindi ata umabot ng sampung minuto. Now, my second fault. I played a sh*tty audio clip. Im a mothafokinsonnwabiesh!

Comments from Sir: Wag mo nang alamin!

Oh well, at least we had a B.