

Informal Post.
Nagsimula ang lahat sa "Ano?". Isang proyekto na tatalakay sa pagkain, bayani, kwentong bayan at ang kasaysayan ng napiling bansa. Next, Drafting! Dito, alam ko na ang gagawin ko. Planado at tuwid! Pinili akong pinuno at ako ang pumili ng kasapi ( Miggy , Garde , Jerome, Balamiento, Punzalan, Oba, at Eguico . Saan ka pa? May magagaling sa pagguhit, pagtugtog, pamumuno (AKO!), pag-aasikaso sa kompyuter... kaso nga lang medyo HINDI PANTAY!
Pagpupulong Una! Kailangan ng mga magsasaliksik ukol sa bansa. Teka, anong bansa? Kahit anong bansa ng kontinenteng Europa. Pinagpipilian Italya, Gresya, Aleman o Espanya. Syempre kailangan isaalang-alang ang rubriks - pagkain, bayani etc. Inuwi namin ang desisyon. Mapitagan na pinag-iisip ng grupo ko - ITALYA.
Saliksik! Oo naging maayos naman. Nakuha ang lahat ng kinakailangan.
Pagkain : Pasta!
Bayani : Guiseppi ( gi-se-pee)
Kwento: Tarantella! ( isang sayaw na nakagagaling raw ng kagat ng Tarantulla)
Italya: Ang Roma, Simbahan,Gladiator, Michaelangelo, Leonardo Da Vinci, Vulcan atbp
Brochure! Oo nga pala, ano ang gagawin sa aming saliksik? Una sa lahat, gagawin itong Brochure o kung anu man salin nyan sa Tagalog at makalawa ay Cooking Show! Maayos, gaya nga ng sabi ko, pero kailan gagawin? Aber! Isang araw nalang ang nalalabi! Si OBA na yung kinuha kong mag aasikaso sa aming brosige(bro-sure) :D Balak namin ay ang paghati sa SBP sa tatlo, yung tradisyonal na anyo ng brosige. At may gimik pa yan, susubukan namin na gawin window design. Bale ang nakasulat ay nasa likod ng isang tagos-ilaw(transparent? tinatamad ako hanapin yung tamang salin) na plastik. Iguguhit sana ni Oba ang bansang Italya, subalit sabi ni Ser Franz, "huwag na i-Print nalanag". Sayang naman!
Cooking Shoo!
Miggy: Iron Chef nalang!
Eguico: Iron, hindi ba't yun yung pamplantsa...
Lahat: **** mo!
OO! Iron Chef Italy ang aming tema. Masarap isipin ang pagtatanghal, masarap itanghal sa isipan. Ehem, napaghandaan na namin ang lahat, este pinaghandaan. Mula sa daloy, hanggang sa mga aktor.
Oba: Chairman
Miggy: Iron Chef ng Italya
Marvin: Challenger - from Quiapo - Iron Chef Di Pantay
Daniel : Commentator/Host
Jerom and Benjo B: MichaelAngelo and Leonardo
Ian: Guiseppi
Garde: Laptop Man!
Binilin ko sa bawat isa na asikasuhin ang kanyang papel sa mala-Iron Chef na 20min sesyon. Napagsangayunan na sa bahay ng bawat Chef iluluto ang pasta: isang Spag at isang Carbonara. Dito na magsisimula ang problema. Nagkalokohan sa pagbibili ng sangkap sa pagkain. Hula ko, si Eguico nagkamali! Siya nga! Hindi lang yan, si Marvin dapat ang gagawa ng iskrip ni Ian para sa bayani. Pero hindi nya nagawa! ay nung Tanghalian (bago mag AP) pala. Basura! Sige, dahan-dahan lang. PERO HINDI PWEDE! May mga ibang kasapi na palpak! Si Alano at Balamiento! hindi nagdala ng tamang damit! Simpleng damit , hindi pa madala-dala. Sige, patatawarin ko iyan. Hoy Benjo! bat wala kang dinalang kalan! Si Oba, sinabihan ko nang mag Chairman at kung ano ang gagawin, AY! Ang hilig tumanggi. Kay simple ng gagawin at tila papatay ng isang tao ang inihahabilin ko sa kanya? At eto pa, isang maikling sayaw, AYAW NG GRUPO!
Pagtatanghal! Nakabihis na ang lahat. Pasok ako para makapagbigay pambungad Biglang sisingit si Oba, na hindi pa ako nakakatapos sa aking "magiging talumpati na MAGLALAMAN NG DETALYE NG BANSA!" ayan! WALANG BINAGGIT UKOL SA AMING BANSA! hindi pa diyan nagsisimula ang SAKUNA, KALAMIDAD, DISASTER! Pinakilala ko muna ang dalawang magtutugis sa araw na iyon. Iron Chef Miggy and Chef Di Pants. Naunang nagluto si Chef Eguico.
Eguico: Oh! Ayan magsisimula na ako magluto ng aking pasta.
Lahat: Tawa
Eguico: Ang aking lulutuin ay Carbonara
Lahat: Tawa
Eguico: Dito, uunahain ang cheese!
Lahat: Halakhak!
[aside] Dan & Miggy: ANAK NG! Chiz una?
Eguico: Hmm, keso pala . Keso. Sabay halo.
Lahat: Tawa, hala sige TAWA!
[aside] Dan: Hoy! Ano hinahalo mo dyan?
Eguico: Umm, ano na ba?
Lahat: Tawa
Dan & Miggy: Wala na, sabog na ito.
Sinabihan ko si Miggy na ayusin ang pagluluto ng kanyang pasta at MULING ITURO kung paano iluto ang pasta. Mabuti't napili ko si Miggy.
Introduction of Judges: Ako na ang nagpakilala kung SINO ang mga hurado pero sila(Ian,Jerome,Benjo) ang magsasabi kung ANO ang mayroon sa kanila. Sympre palpak yung mga taong ito. Si Ian binasa yung script sa papel. Bulsyet! Si Alano at Benjo, wala man lang kalamanlaman yung sinabi. Nagbatuhan pa ng mga mura. Sige ok lang yan, pampatawa naman eh. Tanggap ko.
Closing: OO, ganoon kabilis ang aming pagtatanghal. Hindi ata umabot ng sampung minuto. Now, my second fault. I played a sh*tty audio clip. Im a mothafokinsonnwabiesh!
Comments from Sir: Wag mo nang alamin!
Oh well, at least we had a B.


No comments:
Post a Comment